Tuesday, November 22, 2022

TOP ALLAN: ANG BAGONG PASYALAN SA LA UNION | TRAVEL ELYU



Ang La Union (ELYU) ay tinaguriang Surfing Capital of The North dahil sa mga sikat na mga baybayin nito. Di naman kaila na hindi lang mga beach resorts ang kayang ihain ng ELYU sa mga turista.

Sikat ngayon bilang bagong pasyalan sa La Union ang TOP ALLAN. Ito ay matatagpuan sa pinakadulong  bahagi ng La Union - sa Sudipen, La Union.

Kung galing ka sa Metro Manila, maaari kang dumaan sa mas maayos at mas malapit na ruta via Bangar, La Union Plaza. 

Sa aming paglalakbay, sa bahagi kami ng Alilem Road sa Ilocos Sur idinaan ng Google Map kaya mas naging exciting at mas mahirap ng kaunti ang aming pinagdaanan.

Pagkarating mo sa Top Allan, ikaw ay magreregister muna sa halagang P30.00 (as of November 2022). 

Ang Top Allan ay isang pasyalan na ang highlight ay ang mga viewdeck mula sa 3 hills. Maganda ang mag-unwind dito sa lugar na ito dahil sa napakagandang view. 

Mahangin at malamig ang simoy ng hangin dito. Ayon sa latest post nila, maaari ang camping o overnight stay dito. 









You may also like:

TOP ALLAN: ANG BAGONG PASYALAN SA LA UNION | TRAVEL ELYU

Ang La Union (ELYU) ay tinaguriang Surfing Capital of The North dahil sa mga sikat na mga baybayin nito. Di naman kaila na hindi lang mga be...